Connect with us

National

$3-M na loan sa ADB, natanggap na ng pamahalaan

Published

on

Photo by: vanou / CC BY-NC-ND

Nakuha na ng pamahalaan ang three million dollar grant mula sa Asian Development Bank (ADB) na ilalaan para sa patuloy na paglaban sa COVID-19 crisis.

Batay kay Presidential Spokesperson Harry Roque, partikular na ilalaan ng gobyerno ang naturang pondo para sa mga testing facilities.

Pahayag ng kalihim, dumating na sa bansa ang mga laboratory equipments at nai-deliver na sa Jose Lingad General Hospital sa San Fermando, Pampanga.

“Nakuha na po natin yung grant na 3 million dollars mula sa Asian Development Bank na pambili po ng testing facilities. Itong laboratory equipment ay dumating na at nadeliver na sa Jose Lingad General Hospital sa San Fernando, Pampanga,” saad ni Roque.

Giit pa ni Roque, napakaimportante ang pagpapaigting ng testing sa ginagawang laban ng bansa kontra COVID- 19, lalo’t ang sinusunod na istratehiya ng pamahalaan ay i-locate, i-isolate at gamutin ang mga pasyenteng magpo-positibo sa nabanggit na virus.

Samantala, magugunitang ang ADB ang isa sa financial institution na nagpapahiram ng pera sa gobyerno sa matagal ng panahon.

Source: radyopilipinas

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *