National
Dagdag leave credits sa gov’t employees na magkaka-COVID-19, iminungkahi ng GSIS

Published
9 months agoon

Iminumungkahi ni Government Service Insurance System (GSIS) Chair Rolly Macasaet na bigyan na lamang ng dagdag na 30-days leave credit ang mga empleyado ng gobyerno sakaling tamaan ng COVID-19 at maubos ang kanilang sick leave.
Sa isinagawang virtual hearing ng House Defeat COVID-19 Committee Economic Cluster, sinabi ni Macasaet na ito ang kanyang nakikitang win-win solution para sa pamahalaan at empleyado.
Base kasi sa isinusulong na Philippine Economic Recovery Act o PERA ng mga mambabatas, nais nilang maglaan ng P1-billion na pondo para sa sosobrang sick leave ng mga empleyado na magkakasakit o tatamaan ng COVID-19.
Nasa P500-million ang ilalaan para sa government employees sa ilalim ng GSIS habang P500-million din para sa private worker sa ilalim naman ng SSS.
Pero ayon kay Macasaet, mas maigi na i-convert na lamang ito bilang leave credit upang hindi na rin maglabas ng pondo ang pamahalaan at kung sakali ay sa private sector na lamang ang paglaanan ng pondo. – radyopilipinas.ph
You may like
-
Pangulong Duterte, pinatigil ang pagmimina sa Tumbagaan Island sa Tawi-Tawi
-
Dating Mandaluyong Mayor na si Benhur Abalos Jr., itinalaga bilang MMDA Chairman
-
“MARAMI PA NAMANG PASKO”: HUWAG MUNA MAMASKO SA MGA NINONG AT NINANG – DUTERTE
-
PILOT TESTING NG FACE-TO-FACE CLASSES SA MGA LOW RISK AREAS SA COVID-19, SA 2021 INAPRUBAHAN NI PRES. DUTERTE -MALAKANYANG
-
DOH, TUTOL NA PAYAGAN ANG MGA BATA SA MALLS
-
Live-in partner ng COVID-19 positive na nasawi: ‘Di totoo na namatay sa COVID ang partner ko’