Connect with us

National

P300B NA KINAKAILANGANG PONDO VS COVID 19, KOKOLEKTAHIN PA LANG

Published

on

KOKOLEKTAHIN pa lang ang P300B na kinakailangang pondo ng gobyerno sa paglaban sa coronavirus disease 2019.

Ito ang sinabi ni Pres. Rodrigo Duterte sa kanyang pre-recorded public address na inere kaninang madaling araw.

“Iyong pagdadaldal ng isang congressman na may P300B ibinigay ng kongreso, hangin po lahat yan. Wala pa yang pera yan dito. Saan na yong P300B? Wala pa po yan, kokolektahin pa po yan. Saan yong P270B? Wala pa po yan, kokolektahin pa yan”, ayon sa pangulo.

Hindi naman pinangalanan ng presidente kung sino ang tinutukoy niyang congressman.

Maalala na noong nakaraang buwan ng Marso, binigyan ng special power ng kongreso si Duterte para magamit ang P275B na unused na pondo ng gobyerno para pantugon sa covid-19 crisis.

Sa ilalim ng Bayanihan to Heal as One Act law, bibigyan ng gobyerno ng P5k-P8k ang may18M na pamilyang mahihirap.

Samantala, sa kapareho ring briefing na inere kaninang madaling araw, inihayag ni DSWD Sec. Rolando Bautista na umaabot na sa P100M ang naipamahagi ng kanilang ahensya sa mga myemebro ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps).

Pabor naman si Duterte sa suhestyon na isama ang middle class families sa Social Amelioration Program ng gobyerno subalit wala pa umanong sapat na pera ang gobyerno para dito dahil hindi gumagalaw ang ekonomiya ng bansa dulot ng covid 19 pandemic.