Connect with us

National

Mobile phones at iba pang gadgets, ipagbabawal sa eskwelahan

Published

on

Photo by Mark Alvic Esplana for Inquirer Southern Luzon

Umusad na sa Kamara ang House Bill 5545 o panukalang nais ipagbawal ang paggamit ng mobile phones at iba pang mga gadgets sa lahat ng eskuwelahan sa bansa mula Grade 10 pababa.

Isinulong ni San Jose del Monte City Rep. Rida Robes ang panukalang batas dahil sa pagkahumaling ng mga estudyante sa  sobrang paggamit ng mobile phones at iba pang gadgets na nakababahala sa kanilang pag-aaral.

Nais umano na pigilan ng mambabatas ang sobrang exposure ng mga mag-aaral sa cellphone at mga gadget na nagiging sanhi ng problema sa utak.

Lumalabas sa mga pag-aaral na ang mga batang estudyante na labis ang pagkahumaling sa cellphone at iba pang gadget ay nagkakaroon ng problemang psychological, problema sa kaisipan, mababa ang grado, nasasangkot sa cyber-bullying, at nagkakaroon ng depresyon na humahantong sa suicide.

Source: https://www.philstar.com/pilipino-star-ngayon/bansa/2020/03/07/1998856/smartphones-gadgets-sa-eskuwelahan-ipagbabawal

Continue Reading
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *