Connect with us

National

SPD Director at 3 Chief of Police, sinibak ni PNP Chief Gamboa

Published

on

(PNP Chief Police General Archie Francisco Gamboa (kaliwa) at Southern Police District (SPD) Director Police Brigadier General Nolasco Bathan (kanan). Photo's from the web.

Sinibak sa pwesto ni Philippine National Police (PNP) Chief Police General Archie Francisco Gamboa si Southern Police District (SPD) Director Police Brigadier General Nolasco Bathan.

Magugunitang si Bathan ang nang agaw ng cellphone ng isang reporter noong Traslacion 2019.

Pero hindi dahil dito nasibak sa pwesto si Bathan, kung hindi dahil sa command responsibility sa kabiguan na makontrol ang ilegal na sugal sa kanyang distrito.

Kasama din sa mga nasibak na opisyal dahil sa bigong kampanya kontra ilegal na sugal sina Pasay City Police Chief Colonel Bernard Yang, Muntinlupa City Police Chief Colonel Gerardo Umayao, at Calooan City Police Chief Colonel Noel Flores.

Sa ngayon, wala pang napipiling kapalit sa pwesto ang pamunuan ng National Capital Region Police Office (NCRPO) sa mga sinibak na pulis. – radyopilipinas.ph

Continue Reading
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *