Connect with us

National

Mga pulis na tumulong sa mga biktima ng Taal, pinarangalan sa Camp Crame

Published

on

Pinarangalan ni Philippine National Police (PNP) Chief Police General Archie Francisco Gamboa ang ilang mga pulis na tumulong sa mga biktima ng pagsabog ng Taal, ngayong umaga sa Camp Crame.

Ang mga awardee ay pinangunahan ni PNP Maritime Group Director Police Brigadier General R’win Pagkalinawan at Police Corporal Jesson Gutual, na kapwa tumanggap ng medalya ng pagtulong sa nasalanta dahil sa kanilang pagligtas ng mga residente at hayop sa Taal danger zone.

Si Police Major Genevieve Julian mula sa Directorate for Human Resource and Doctrine Development (DHRDD) naman, ay tumanggap ng medalya ng papuri dahil sa kanyang pag“breastfeed” ng isang sanggol na may sakit ang ina sa isang evacuation center.

Si Pmsg Santiago Arienda ng Police Regional Office (PRO) 5 ay pinagkalooban ng medalya ng ugnayang pampulisya, dahil sa paghahatid ng konting kasiyahan sa mga biktima ng Taal sa pamamagitan ng pag-perform ng “magic tricks.”

Samantala, tumanggap din ng medalya ng kagalingan ang nag-viral na pulis na nanghuli sa isang drunk driver sa Baguio City, noong January 31, 2020, na is Patrolman Julius Walang ng Police Regiona Office Cordillera (PRO-COR). – radyopilipinas.ph

Position: Production Staff Years/background in Media works: 4yearsWhy chose this profession:Mass Communication helps me in building my personality and overcome my shyness. I can now see my improvement because I am now comfortable in speaking and socializing with people. Principle in life: Never give up on something you really want. It's difficult to wait but it's more difficult to regret.

Continue Reading
Advertisement

Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *