Connect with us

National

MAG-ASAWANG CHINESE NA NAGBAKASYON SA BORACAY, NAKAQUARANTINE SA MANILA AIRPORT

Published

on

Naka-quarantine ngayon ang mag-asawang Chinese sa Manila Airport l, na dumating doon matapos nagbakasyon sa Boracay, dahil sa mataas na lagnat.

Itinurn-over ng Manila International Airport Authority Medical Clinic personnel sa Bureau of Quarantine sa NAIA Terminal 3 ang mag asawang Chinese.

Ayon sa impormasyon, dumating ang mag-asawa sa NAIA Terminal 4 kahapon sakay ng Air Asia flight Z2712 mula Kalibo, Aklan matapos magbakasyon sa Boracay Island.

Kahapon nagpatulong na ang dalawang Chinese para madala sa airport clinic sa paliparan dahil mataas na ang kanilang lagnat.

Agad na inilipat ang dalawa sa airport clinic ng Terminal 3.

Dahil sa travel history ng mag-asawa sa mga lugar na hinihinalang nCoV infected, dinala sila ng mga tauhan sa Bureau of Quarantine.

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *