Connect with us

National

PRRD, pinangangatawanan lang ang pangakong aakuin ang responsibilidad sa drug war – Lorenzana

Published

on

Pangulong Rodrigo Duterte (kaliwa) at Defense Secretary Delfin Lorenzana (kanan). Presidential photo

Pinangangatawanan lang ni Pangulong Rodrigo Duterte ang kanyang pangako na akuin ang responsibilidad sa drug war.

Ito ayon kay Defense Secretary Delfin Lorenzana ang dahilan kung bakit nagagalit ang Pangulo sa pagkaka-kansela ng US visa ni Senator Ronald Bato Dela Rosa.

Ang pahayag ng kalihim ay matapos na magbanta ang Pangulo kagabi, na kakanselahin ang Visiting Forces Agreement sa pagitan ng Pilipinas at Estados Unidos, kung hindi mababago ang pagkansela sa US visa ni Dela Rosa.

Paliwanag ng kalihim, ang direktang pag-target ng US kay Dela Rosa bilang tagapagpatupad ng drug war ay maaaring ikunsiderang personal na pag-atake sa Pangulo, na siyang nagbigay ng opisyal na kautusan kay Dela Rosa na ilunsad ang kampanya kontra droga.

Sinabi ni Lorenzana, na naiintindihan niya ang posisyon ng Pangulo dahil mismong ang Pangulo ang nagsabi, na handa siyang makulong para sa mga opisyal na aksyon ng kanyang mga tauhan. – radyopilipinas.ph

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *