Connect with us

National

Mga carrier ng novel coronavirus sa bansa, hahanapin ng PNP

Published

on

PHOTO/S: tribune.net.ph

Hahanapin ng Philippine National Police (PNP) ang mga carrier ng novel coronavirus sa bansa.

Ito ayon kay PNP Chief PGen Archie Francisco Gamboa, ay kung hihilingin ng Department of Health (DOH) ang kanilang tulong para dito.

Sinabi ni Gamboa, na dahil sa nakakalat ang mga pulis sa buong bansa, ito ang maitutulong nila sa DOH upang mapigilan ang posibleng pagkalat ng epidemya sa bansa.

Una nang inatasan ni Gamboa ang kanyang mga regional director, na makipagugnaya sa kani-kanilang Regional Health Offices para tuntunin ang mga dayuhang nagtataglay ng nasabing sakit na maaaring nakapasok sa bansa

Magugunitang isang limang taong gulang na bata mula sa Wuhan, China, ang nakapasok sa Pilipinas sakay ng Cebu Pacific flight mula Hong Kong patungong Cebu noong Enero 12.

Gayunman, una nang kinumpirma ng DOH na nagnegatibo sa NCOV ang naturang bata matapos lumabas ang resulta ng pagsusuri rito. – radyopilipinas.ph

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *