Connect with us

National

Dagdag buwis sa alak at e-cigarettes aprubado na ni Pangulong Duterte

Published

on

Nilagdaan na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang bagong batas hinggil sa pagpataw ng dagdag buwis sa alak at e-cigarettes.

Nakasaad sa bagong batas, tataas ang sin tax sa alak ng P35 hanggang P50 habang ang e-cigarettes naman ay tataas ng P25 hanggang P45.

Epektibo ngayong taon ang nasabing dagdag buwis kung saan gagamitin ang malilikom na buwis bilang pang pondo sa Universal Health Care Law.

Tinatayang mahigit sa P20 bilyon ang makukuhang buwis ng pamahalaan sa dagdag na sin tax sa alak at e-cigarettes.

Source: Radyo Inquirer

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *