National
Pag amyenda sa Solo Parents Act, isinusulong sa Senado

Published
1 year agoon

Isinusulong ng ilang senador na maamyendahan ang Solo Parents Act upang mas mapagaan ang buhay ng mga magulang na mag-isang pinapalaki ang kanilang mga anak.

Ayon kay Committee on Women, Children, Family Relations and Gender Equality Chairperson, Senator Risa Hontiveros, layon ng Senate Bill 164 o ang Expanded Solo Parents’ Welfare Act, na tugunan ang mga isyung kinakaharap ng mga solo parent.
Kabilang sa mga probisyon na nais idagdag ng mga mambabatas ang dagdag na pitong araw na parental leave kada taon.
Nais rin ng senator, na mabigyan ng 20 percent discount ang mga solo parent sa mga bilihin sa mga pribadong establisyimento, at tuition fee ng kanilang mga anak.
Bukod sa dagdag benepisyo, pinapanukala rin ang pagbabago ng depinisyon ng solo parents. Ito ay upang maisama ang mga asawa ng mga low-income overseas Filipino workers (OFWs) na taunan lang kung makauwi ng Pilipinas.

May pareho rin panukala si Senator Christopher ‘Bong’ Go.
Sa panukala ni Go, isinusulong na ibaba lamang sa anim na buwan ang required rendered service ng isang solo parent sa kanyang trabaho upang makakuha ng seven days parental leave with pay.
Nais rin ng senator, na mapatawan ng parusa ang mga lalabag sa anumang probisyon ng naturang batas upang matiyak na masusunod ito. – radyopilipinas.ph
You may like
-
ANGKAS SA MOTORSIKLO, NAIS MULING IPAGBAWAL NI PANELO
-
Pagtatakda ng price cap sa karneng baboy, pinaboran ng Palasyo
-
Pangulong Duterte, pinatigil ang pagmimina sa Tumbagaan Island sa Tawi-Tawi
-
Dating Mandaluyong Mayor na si Benhur Abalos Jr., itinalaga bilang MMDA Chairman
-
FDA, binalaan ang publiko laban sa pekeng Diatabs, Solmux, Neozep at Ponstan
-
5 ahensya ng gobyerno, unang iimbestigahan dahil sa isyu ng korapsyon