Connect with us

National

Sahod ng mga manggagawa, dapat nang itaaas para ‘di na mangibang-bansa — ilang mambabatas

Published

on

Photo from the web

Pagbubukas ng mas maraming trabaho at competetive na sahod ang nakikitang tugon ni Kabayan Representative Ron Salo, upang matigil na ang pangingibang-bansa ng ating mga kababayan.

Ayon kay Salo, kung magbubukas ng mas maraming trabaho dito sa bansa ay tiyak na mas pipiliin ito ng mga Pilipino dahil mas gugustuhin nilang hindi mawalay sa pamilya.

Dapat rin aniyang itaas ang minimum wage ng mga empleyado.

Katunayan, naihain na niya ang House Bill 668 kung saan ipinapanukala ang P650 na daily minimum wage.

May kahalintulad na panukala rin ang isinusulong ni ACT CIS partylist Rep. Jocelyn Tulfo.

Dito, isinusulong niya na itaas sa P450 ang minimum daily wage ng mga manggagagawa sa labas ng Metro Manila.

Hindi naman daw dapat magreklamo ang mga employers sa dagdag sahod, dahil patuloy naman anila ang pagganda ng ekonomiya.

Ayon sa mga mambabatas, kung maipatutupad ito ay mababawasan na ang bilang ng mga Pilipino na nanaising magtrabaho bilang OFW.

Ito ay sa gitna na rin ng paglikas sa mga kababayan natin sa Middle East dahil sa tensyon doon. radyopilipinas.ph

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *