Published
1 year agoon
Handa ang Manila International Airport Authority (MIAA) sa pagdating ng Overseas Filipino Workers na posibleng i-repatriate mula sa Middle East sa gitna ng nagpapatuloy na tensyon sa pagitan ng Amerika at Iran.
Ayon kay MIAA General Manager Ed Monreal, susuportahan nila ang hakbang ng gobyerno sa pamamagitan ng paglalaan ng holding areas para sa OFWs kung saan sila ipoproseso at isasalang sa mga briefing.
Tiniyak rin ni Monreal na nakahanda silang mag-deploy ng medical teams sa holding areas para sa mga darating na migrant workers na mangangailangan nito at mamimigay ng Malasakit kits sa kanila.
Bahagi ang MIAA ng inter-agency team na may kinalaman sa mass repatriations na ginagawa ng pamahalaan sa mga nakalipas na taon.
Katuwang nito ang Labor Department, Department of Foreign Affairs (DFA), Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) at sa kasalukuyan ay ang Office of the Special Envoy to the Middle East. – radyopilipinas.com
ANGKAS SA MOTORSIKLO, NAIS MULING IPAGBAWAL NI PANELO
Pagtatakda ng price cap sa karneng baboy, pinaboran ng Palasyo
Pangulong Duterte, pinatigil ang pagmimina sa Tumbagaan Island sa Tawi-Tawi
Dating Mandaluyong Mayor na si Benhur Abalos Jr., itinalaga bilang MMDA Chairman
₱10,000, matatanggap ng mga OFWs na umuwi sa probinsiya ng Iloilo matapos mawalan ng trabaho
FDA, binalaan ang publiko laban sa pekeng Diatabs, Solmux, Neozep at Ponstan