Connect with us

National

OFWs na mapapauwi galing sa Middle East dahil sa tensiyon, hinahanapan ni PRRD ng trabaho

Published

on

Photo from the web

Pinapasilip ni Pangulong Rodrigo Duterte ang posibilidad na maipasok ng trabaho ang mga overseas Filipino worker (OFW) na posibleng mapauwi galing ng Middle East dahil sa namumuong tensiyon duon.

Ayon kay Chief Presidential Legal Counsel at Spokesperson Salvador Panelo, ang gusto ng Presidente ay maipasok ang mga maaapektuhang trabahanteng Pinoy sa mga ginagawa ngayong government projects.

Kaya ang utos ng Punong Ehekutibo sa mga kinauukulang ahensiya ng pamahalaan, gumawa ng mga kailangang hakbang upang matiyak na may naghihintay na hanapbuhay sa mga OFW na posibleng mapauwi dahil sa Middle East crisis.

Ayaw aniya ng Chief Executive, na mapilayan ang daratnang pamilya ng mapapauwing OFW kaya ang isang opisyon kaugnay nito ay maipasok ng trabaho ang mga kinauukulan sa kabi-kabilang proyekto ng pamahalaan.

Base sa datos ng Philippine Overseas Employment Administration (POEA), nasa 1.2 milyong mga Pinoy ang nagtatrabaho sa Gitnang Silangan. – radyopilipinas.ph

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *