Published
1 year agoon
Binigyang-diin ni Foreign Affairs Secretary Teddy Boy Locsin na malaki ang papel ng administrasyong Duterte sa matapang na “guilty” verdict laban sa maimpluwensiyang Ampatuan clan na sangkot sa Maguindanao massacre.
Ayon kay Locsin, nangyari ang madugong masaker sa panahon ni dating Pangulong Gloria Arroyo, at lumipas ang pamumuno ni Pangulong Noynoy Aquino pero sa pag-upo lamang ni Pangulong Rodrigo Duterte nahatulan ang mga kriminal.
Hindi aniya nakapagtataka na hindi batid ng marami ang naitulong ng Pangulo dahil pinalalabas umano sa news reports na taga-oposisyon ang nagdesisyon sa kaso.
Giit ni Locsin, tiyak na hindi rin ipakakalat sa mga balita ang ambag ni Pangulong Duterte.
Duda rin ang kalihim na maaaring mag-qualify sa Good Conduct Time Allowance Law ang mga nahatulan lalo’t 57 counts ng murder ang sentensya sa magkakapatid na Ampatuan sa bilangguan nang walang parole. – Hajji Kaamiño / radyopilipinas.ph
ANGKAS SA MOTORSIKLO, NAIS MULING IPAGBAWAL NI PANELO
Pagtatakda ng price cap sa karneng baboy, pinaboran ng Palasyo
Pangulong Duterte, pinatigil ang pagmimina sa Tumbagaan Island sa Tawi-Tawi
Dating Mandaluyong Mayor na si Benhur Abalos Jr., itinalaga bilang MMDA Chairman
FDA, binalaan ang publiko laban sa pekeng Diatabs, Solmux, Neozep at Ponstan
5 ahensya ng gobyerno, unang iimbestigahan dahil sa isyu ng korapsyon