National
SSL 5, pasado na sa ikatlo at huling pagbasa sa Kamara

Published
1 year agoon

Sa botong 187 na affirmative, 5 negative at 0 abstention, ay tuluyan nang lumusot sa mababang kapulungan ang House Bill 5712 o Salary Standardization Law 5.
Sa ilalim nito mula sa P11,000 ay aakyat sa P13,000 ang salary grade 1 na mga kawani ng gobyerno sa full implementation ng batas.
Kasama rin dito ang pagtaas ng sweldo ng mga public school teacher.
Magkakaroon ng 30.1% na increase sa sweldo ng teacher 1, 27.1% para sa teacher 2 at 24.1% naman para sa mga teacher 3.
Ibig sabihin ang mga tacher 1 na kasalukuyang tumatanggap ng nasa ₱20k kada buwan, ay makatatanggap na ng ₱27k sa fulll implementation ng batas.
Kasama na rin dito ang dagdag sweldo ng mga nurses, sang ayon sa desisyon ng Supreme Court.
Hahatiin ang pagpapatupad ng SSL sa apat na tranche na sisimulan ngayong January 2020 hanggang 2023.
Kabuuang ₱34.4b na pondo ang ilalaan dito na nakapaloob sa 2020 budget sa ilalim ng miscellaneous personnel benefit fund.
Una nang inaprubahan ng senado ang counterpart bill noong Lunes. – Kathleen Forbes / radyopilipinas.ph
You may like
-
ANGKAS SA MOTORSIKLO, NAIS MULING IPAGBAWAL NI PANELO
-
Pagtatakda ng price cap sa karneng baboy, pinaboran ng Palasyo
-
Pangulong Duterte, pinatigil ang pagmimina sa Tumbagaan Island sa Tawi-Tawi
-
Dating Mandaluyong Mayor na si Benhur Abalos Jr., itinalaga bilang MMDA Chairman
-
FDA, binalaan ang publiko laban sa pekeng Diatabs, Solmux, Neozep at Ponstan
-
5 ahensya ng gobyerno, unang iimbestigahan dahil sa isyu ng korapsyon