Connect with us

National

Mga kontrata ng pamahalaan kaugnay sa pang-araw araw na kinokonsumo ng publiko, sisilipin din ni PRRD

Published

on

Photo from the web.

Sa harap ng galit ni Pangulong Rodrigo Duterte sa concession agreement na pinasok ng pamahalaan at ng dalawang water concessionaires, inihayag ng Palasyo na may mga isusunod pang sisilipin ang Chief Executive.

Ito ay sa gitna pa rin ng pagnanais ng Pangulo, na mabigyan ng proteksiyon ang mga consumer na kumokonsumo ng mga pangunahing pangangailangan sa araw-araw.

Ayon kay Chief Presidential Legal Counsel at Spokesperson Salvador Panelo, posibleng isunod na ng Punong Ehekutibo ang usapin sa binabayarang konsumo sa kuryente ng mga consumer.

Sinabi ni Panelo, na hindi palalampasin ng Pangulo ang anumang makikita nitong ilegal at kung saan ay talo o agrabyado ang consuming public.

Pagtiyak ng tagapagsalita, iisa-isahin ng Presidente ang mga napasok na kontrata ng gobyerno, na nasimulan na sa tubig kung saan ay inaasahan ng isusunod ang tungkol sa kuryente, transportasyon, telekomunikasyon at iba pa.

Sa harap nito, ay wala namang tinukoy na anomang kumpanya si Panelo kaugnay ng inaasahang gagawing pagsilip ng Pangulong Duterte sa iba’t ibang kontratang napasok ng gobyerno sa pribadong sektor, na may kinalaman sa araw-araw na pangangailangang kinokonsumo ng publiko. – Alvin Baltazar/radyopilipinas.ph

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *