National
Panukalang taasan ang sahod ng gov’t employees, sinertipikahang urgent ng Pangulo

Published
1 year agoon

Sinertipikahan na bilang urgent bill ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Senate bill no. 1219 o ang panukala na layong taasan ang sweldo ng mga kawani ng gobyerno.
Ibig sabihin, hindi na kailangang maghintay pa ng tatlong araw matapos ang 2nd reading para sa ikatlong pagbasa bago ito maipasa. Maaari nang maaprubahan ng Senado ang panukala sa 2nd, 3rd at final reading sa loob lamang ng iisang araw.
Ang liham na ipinadala ni Executive Secretary Salvador Medialdea kay Senate President Tito Sotto III ay mayroong petsang Dec 13.
Sa ilalim ng panukala, ang basic salaries ay tataas ng 23.24% na ibibigay sa loob ng apat na tranches. Sa oras na maaprubahan ito ngayong taon, sa 2020 magsisimula ang implementasyon nito hanggang 2023.
Matatandaan na ngayong araw rin, una nang inaprubahan ng kamara ang consolidated bill para dito. – radyopilipinas.ph
You may like
-
ANGKAS SA MOTORSIKLO, NAIS MULING IPAGBAWAL NI PANELO
-
Pagtatakda ng price cap sa karneng baboy, pinaboran ng Palasyo
-
Pangulong Duterte, pinatigil ang pagmimina sa Tumbagaan Island sa Tawi-Tawi
-
Dating Mandaluyong Mayor na si Benhur Abalos Jr., itinalaga bilang MMDA Chairman
-
FDA, binalaan ang publiko laban sa pekeng Diatabs, Solmux, Neozep at Ponstan
-
5 ahensya ng gobyerno, unang iimbestigahan dahil sa isyu ng korapsyon