Connect with us

National

Pangulong Duterte, nasa Davao City nang tumama ang magnitude 6.9 na lindol

Published

on

Photo from the web.

Nasa bahay sa Davao City si Pangulong Rodrigo Duterte nang tumama ang magnitude 6.9 na lindol sa Mindanao.

Ayon kay Presidential spokesman Salvador Panelo, kasama ng pangulo sa bahay ang anak na si Kitty habang ang partner naman na si Honeylet Avanceña ay nasa daan pauwi nang yumanig ang lindol.

Tiniyak ni Panelo na maayos ang kondisyon at walang nasaktan sa pamilya Duterte.

Samantala, sinabi naman ni Brig. Gen. Jose Eriel Niembra, commander ng Presidential Security Group (PSG), na walang naitalang sira sa bahay ng pangulo.

Gayunman, sinusuri pa rin aniya ang structural integrity nito.

Tumama ang magnitude 6.9 na lindol sa Matanao, Davao del Sur bandang 2:11 ng hapon. – radyo.inquirer.net

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *