Connect with us

National

Magkaibigang tsismosa, arestado; tsinismis nila, nagsampa ng kaso

Published

on

Larawan mula sa www.google.com/images

Arestado dahil sa pagkakalat ng tsismis sina Mary Grace Catapan at Jhallyn Gequillo Varga, parehong taga Cebu City. Sinampahan na rin ng kaso ang dalawa.

Ayon sa nagsampa ng kaso, simula umano 2017 hanggang 2018, pinagtutulungan na siyang siraan ng magkaibigan gamit ang group chat ng online networking site na Facebook.

Sa pahayag ng biktima, dalawang taon na ang group chat  (GC) na nadiskubre niya, kung saan siya sinisiraan nina Catapan at Varga. Makikita umano  sa  nasabing GC na halos araw-araw siyang nililibak ng dalawa.

Sa tuwing magbabakasyon din daw ang biktima, igina-grabng dalawa ang kaniyang mga larawan at “ibutang sa group chat unya i-malign. Nya naa pa toy giingon nga kabit ko. Basta daghan pa,”

Dagdag pa ng biktima, nilalagay umano ng dalawang tsismosa  ang mga larawan niya sa GC  at doon sinisiraan ng puri kung saan maraming  miyembro sa chat ang nakababasa.

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *