Connect with us

National

8-ANYOS, NAKURYENTE, PATAY

Published

on

Larawan mula sa www.google.com/images

Dead on arrival sa isang ospital ang 8-anyos na batang lalaki nang makuryente ito sa pinapasukang eskwelahan sa  Barangay Gomez, bayan ng Lopez sa lalawigan ng Quezon.

Itinago ang biktima sa pangalang Mark Anthony, ayon na rin sa kahilingan ng kaniyang pamilya.

Batay sa ulat ng pulisya, naglalaro ang biktima bandang 7:00 ng umaga, kamakalawa sa stage ng Gomez Elementary School kung saan din siya nag-aaral.  

Nagkikisay umano ang bata ng mapahawak ito sa bakod na bakal na nadadaluyan pala ng kuryente mula sa nakakabit ditong kable.

Patuloy pa ang imbestigasyon ng pulisya upang malaman kung sino ang may pananagutan sa nasabing insidente.

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *