National
Polisiyang ‘No online application, no salary loan,’ ipinatutupad ng SSS

Published
1 year agoon

Pangunahing rekisito na ngayon ng Social Security System (SSS) ang online application para sa mga nais sumailalim sa salary loan program. Nagsimula ang polisiyang ito noon pang Nobyembre 11, ayon sa Real-Time Process of Loans (RTPL) Quick Reference Guide ng ahensiya.
Kakailanganin ng bawat miyembro ng SSS ang web registration lalo na kung nais nilang mag-apply ng salary loan. Ang unang hakbang upang makapag salary loan ay ang pagpapa-rehistro sa www.sss.gov.ph. Para sa mga walang internet access, maaari silang pumunta sa SSS Branch na pinakamalapit sa kanila para mag-register at mag-apply ng loan gamit ang e-Center facility ng SSS.
Sa paglilinaw naman ng SSS, kailangang i-apply sa alinmang sangay ng SSS ang calamity, emergency, at education assistance loans para sa mga documentary requirements. Lahat ng miyembro ay kailangang nakarehistro sa My.SSS dahil ito ay mandatory requirement na para sa lahat ng transaksyon at aplikasyon.
You may like
-
Buwis sa e-sabong, isinusulong ng senado
-
“No disconnection policy” aprubado ng palasyo
-
Hindi awtorisadong paggamit ng PNP uniform, may kaukulang parusa – Sinas
-
PASIG CITY, KAUNA-UNAHANG LUNGSOD NA MAY VACCINATION PLAN NA APRUBADO NG DOH AT WHO
-
LIBRENG JOURNALISM AT TV REPORTING TUTORIALS, INILUNSAD NG PREMYADONG JOURNALIST NA SI KARA DAVID
-
PILIPINAS, NAUNGUSAN NA ANG INDONESIA SA MAY PINAKAMARAMING COVID-19 CASES SA SOUTHEAST ASIA