National
SEA Games, babantayan ng 3 libong pulis mula sa Manila’s Finest

Published
1 year agoon

Humigit-kumulang 3,000 pulis mula sa tinaguriang Manila’s Finest na Manila Police District (MPD) ang inaasahang magbabantay ng seguridad sa lahat ng mga lugar kung saan gaganapin ang Southeast Asian (SEA) Games, bago pa sumapot ang ika-30 ng Nobyembre.
Ito ang naging pahayag ni P/Brig. Gen Bernabe Balba, MPD Director. Layon ng MPD na mabigyang seguridad ang mga atleta, maging amg mga manonood at taga-suporta ng SEA Games. Dagsag pa ng heneral, hindi pa kasama sa 3,000 libong ito ang mga pulis mula Region IV na itatalaga naman sa Clark, na pagdadausan din ng palaro.
Kabilang sa babantayan ng mga pulis ang Rizal Stadium kung saan gaganapin ang ibang mga laro, gayundin ang Manila Hotel na padarausan naman ng Billiard games. Kasama rin dito ang mga hotels sa Maynila na tutuluyan ng mga atleta at ng iba pang may obligasyon sa palaro.
Napag-alaman ding ang mga nakatalagang pulis ay 24/7 ang magiging pagbabantay sa mga darating na atleta at dayuhan para makiisa at manood ng SEA Games.
You may like
-
Buwis sa e-sabong, isinusulong ng senado
-
“No disconnection policy” aprubado ng palasyo
-
Hindi awtorisadong paggamit ng PNP uniform, may kaukulang parusa – Sinas
-
PASIG CITY, KAUNA-UNAHANG LUNGSOD NA MAY VACCINATION PLAN NA APRUBADO NG DOH AT WHO
-
LIBRENG JOURNALISM AT TV REPORTING TUTORIALS, INILUNSAD NG PREMYADONG JOURNALIST NA SI KARA DAVID
-
DepEd: Public school teachers, makakatanggap ng P1,500 incentives bago ang World’s Teachers Day