Connect with us

National

LOLA, NAPAGKAMALANG ASWANG, PATAY

Published

on

Larawan mula sa www.google.com/images

Patay na at naliligo na sa sariling dugo ang isang 75-anyos na lola nang datnan ng kaniyang anak sa kanilang tahanan, dakong alas 10 ng gabi sa Sitio Natutungan, Brgy. Bagumbayan, Magpet, North Cotabato.

Ang biktima ay kinilala ni Magpet Police chief Captain Rolando Dillera Jr. na si Victoria Saavedra, isang biyuda at residente ng Brgy. Santo Niño, Arakan, ng nasabing lalawigan.

Ayon sa inisyal na imbestigasyon, pinaghihinalaan umanong aswang ang biktima, na maaaring naging dahilan upang patayin ng hindi pa nakikilalang mga suspek. Nagtamo ng 16 na saksak sa iba’t ibang bahagi ng katawan ang matanda at karamihan nito ay sa kaliwang dibdib at balikat.

Ayon sa anak ng biktima na si Angeles Terania, iniwan lamang niya ang inang si Saavedra, hapon nitong Linggo, at hindi niya inaakalang patay na niya itong dadatnan.

Saad pa niya, may sakit sa pag-iisip ang kanyang ina, na maaaring naging dahilan ng mga residente para pagdudahan ang matanda.

May mga “persons of interest” na ang Magpet PNP na posibleng pumaslang sa biktima.

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *