Connect with us

National

Guro, patay sa akyat-bahay

Published

on

Larawan mula sa www.google.com/images

Patay na at naliligo sa sariling dugo ang 37-anyos  na elementary school teacher nang datnan ng mga kapitbahay na  sasaklolo sana sa biktima.

Kinilala ang biktimang si  Mel Rose Trilles Baloloy ng  Brgy.Toytoy, Caramoran, Catanduanes.

Ayon sa ulat, nasa loob ng kanilang tahanan ang biktima kasama ang kaniyang 13 taong gulang na anak na lalaki. Bigla umanong pumasok  ang dalawang hindi kilalang lalaki na may dalang baril, bandang alas-8 ng gabi noong Martes.

Pinaluhod umano ng mga akyat-bahay ang mag-ina, itinali ang binatilyo at ipinasok sa basement ng bahay. Ang guro naman ay dinala sa labas kung saan siya ilang ulit na pinagsasaksak hanggang sa bawian na ito ng buhay.

Pagnanakaw ang tinitingnang motibo sa krimen dahil nawawala ang P850 na pera ng biktima. Bakas din ang paghahalughog ng mga suspek sa bahay, bago tumakas ang mga ito.

Nakahingi lamang ng saklolo sa kanilang mga kapitbahay ang anak ng biktima ng nakawala ito mula sa pagkakatali. Sa kasamaang palad, patay na ang kaniyang ina ng dumating ang saklolo.

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *