Connect with us

National

Tatay, na-wrong send ng nudes sa teacher ng anak

Published

on

Larawan mula sa www.google.com/images

Nagsampa ng pormal na reklamo ang isang 48-anyos na babaeng guro laban sa tatay ng kanyang 8-taong gulang na estudyante nang makatanggap mula rito ng larawang nakahubo at labas ang ari sa Sta. Mesa, Maynila.

Ayon sa gurong si Ghie (hindi niya tunay na pangalan) na residente ng Sta. Mesa, Maynila, ini-report niya kay P/Master Sergeant Thelma Samudio ng Manila Police Distric-Women and Children Protection Unit na noon pa umanong Setyembre 10, bandang alas-12:15 ng hapon nang magulat siya sa natanggap na nude photo sa kaniyang cellphone. Nakilala ng guro ang hubo’t hubad na lalaki sa larawan na ama ng isa sa kaniyang mga estudyante.

Nakasaad sa complaint affidavit ng guro na hindi nito matanggap na binastos siya ng ama ng estudyante, subalit nitong kamakalawa lamang siya nagkaroon ng lakas ng loob na magsampa nang reklamo laban dito.

Kinompronta naman umano niya ang suspek na si Ruben  Santos, 50, ngunit pangangatwiran nito, na ‘wrong send’ lamang siya dahil sa kanyang girlfriend daw niya ito dapat ipapadala. Si Santos ay nahaharap sa reklamong paglabag ng Article 287 ng Revised Penal Code o Unjust Vexation.

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *