Connect with us

National

Pumalag sa tangkang panggagahasa, 7-anyos na paslit, pinatay ng 15-anyos na kapitbahay

Published

on

Dead-on-arrival sa Amante Hospital  ang isang 7-anyos na batang babae matapos saksakin ng isang 15-anyos na binatilyo sa Laguna kamakalawa ng hapon.

Ayon sa ulat, pumalag at nanlaban ang biktima sa tangkang panghahalay ng binatilyo. Namatay ang  biktimang itinago sa pangalang “Mychie”, residente ng Heredia Compound, Brgy. Cuyab, ng naturang lungsod sanhi ng mga tinamong saksak sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Ang suspek ay itinago  sa pangalang “Danny”, at kapitbahay ng biktima.

Batay sa report ni Laguna Provincial Police Office (PPO) Director Police Colonel  Eleazar Matta, naganap ang insidente sa Heredia Compound, Brgy. Cuyab, San Pablo, dakong alas-4:00 ng hapon.

Lumalabas sa imbestigasyon na nakaupo ang biktima sa tapat ng bahay ng suspek nang yayain nito sa loob ang  bata para roon maglaro.

Hinala ng pamilya ng biktima, pinagtangkaan itong molestiyahin pero nanlaban, kung kaya’t bigla na lamang itong pinagsasaksak ng binatilyo.

Patuloy pa rin ang masusing imbestigasyon ng mga alagad ng batas sa kaso.

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *