Connect with us

National

PD30, sangkot sa minor motorcycle accident

Published

on

Natumba habang nakasakay ng motorsiklo si Pangulong Rodrigo Duterte  Miyerkules ng gabi sa compound ng Presidential Security Group (PSG).

Ayon sa dating special assistant ng pangulo na si Sen. Christopher “Bong” Go, “sumemplang (si Presidente Duterte) kagabi habang nagmo-motor palabas ng PSG compound

Sa pahayag naman ni Brig. Gen. Eriel Niembra, commander ng PSG, sinusubukan umano ni PDU30 ang bago niyang motorsiklo sa PSG compound.

Ani pa ni Niembra, wala namang tinamong pinsala sa katawan ang pangulo kung kaya’t  hindi naman daw kailangang dalhin sa ospital o klinika ang 74-anyos na pinuno ng bansa. Samantalang ang harapan naman ng motorsiklo ay nagasgasan.

Hindi naman umano naapektuhan ng nangyari ang mga aktibidades ng presidente ng araw na iyon.

Ani Panelo, “nag-breakfast na nga kanina, lumalakad naman. I don’t think na maca-cancel any of his activities dahil doon.”

Noon pa man ay kilala na ang pangulo bilang isang motorcycling enthusiast.

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *