National
Technician, nabagsakan ng elevator, kritikal

Published
1 year agoon

Kasalukuyang nasa kritikal na kalagayan ang isang technician nang mabagsakan ng elevator na kinukumpuni niya sa Malabon City.
Ang biktima ay kinilalang si Renato Apostol, 62, at residente ng Paraiso Street. Brgy. 97. Tondo, Maynila.
Ayon sa ulat ng Malabon City PNP, ang insidente ay naganap kahapon, bandang alas- 4:40 ng hapon sa loob ng Whizmo Garments Corporation sa Victoneta Ave, Brgy. Potrero, lungsod ng Malabon.
Kinukumpuni umano ng biktima at ng mga kasama nito ang elevator ng naturang pabrika nang biglang may magbara. Tinawag ng may-ari ng pabrika ang biktima para alamin kung saan nagmumula ang problema.
Tumalima naman si Apostol at sinilip ang ilalim ng elevator. Inalog umano ng biktima ang elevator at dito na biglang bumagsak ang elevator at tinamaan ang biktima sa ulo at balakang.
Agad namang naisugod sa MCU Hospital si Apostol at nalapatan ng paunang-lunas. Kasalukuyang inoobserbahan ngayon ng mga manggagamot ang kaniyang kondisyon.
You may like
-
Buwis sa e-sabong, isinusulong ng senado
-
“No disconnection policy” aprubado ng palasyo
-
Hindi awtorisadong paggamit ng PNP uniform, may kaukulang parusa – Sinas
-
PASIG CITY, KAUNA-UNAHANG LUNGSOD NA MAY VACCINATION PLAN NA APRUBADO NG DOH AT WHO
-
LIBRENG JOURNALISM AT TV REPORTING TUTORIALS, INILUNSAD NG PREMYADONG JOURNALIST NA SI KARA DAVID
-
PILIPINAS, NAUNGUSAN NA ANG INDONESIA SA MAY PINAKAMARAMING COVID-19 CASES SA SOUTHEAST ASIA