Connect with us

National

Panelo kumagat sa ‘Commute Challenge’, naki-angkas pa sa motor

Published

on

Halos apat na oras ang ginugol ni presidential spokesperson Salvador Panelo matapos kumasa sa ‘Commute Challenge’ na hamon ng mga militante.

Umalis ng bahay sa Marikina si Panelo alas-5:15 ng umaga ngayong Biyernes.

Naispatan itong sumakay ng jeep at ilang beses na nagpalipat-lipat bago makarating sa Maynila.

Pagdating naman sa JP Laurel ay naki-angkas ito sa isang motorista papasok ng Malacañang.

Natapos ni Panelo ang challenge alas-8:30 at saad nito’y posible niya muli itong gawin sa mga susunod na araw.

Magugunitang hinamon ng grupong Bayan, Anakbayan at Bayan Muna si Panelo matapos nitong sabihin na walang mass transit crisis sa Maynila.

Maliban kay Panelo, hinamon din ng grupo na subukan ang commute challenge sina President Duterte, Transportation Secretary Arthur Tugade at Metropolitan Manila Development Authority spokesperson Celine Pialago.

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *