Connect with us

National

Lalaki, sinakmal ng buwaya, patay

Published

on

Patay ang isang mangingisda sa pananakmal ng isang buwaya sa Palawan.

Ayon kay P/Lt. Col. So­crates Faltado, spokesman ng Mimaropa Police, ang nasawi ay kinilalang si Junick Husin, 20-anyos at nakatira sa Sitio Caguisan, Brgy. Salang, Balabac, ng nasabing probinsya.

Salaysay ng kaibigan ng biktima na si Edgar Legazpi, 32-anyos, nangyari ang insidente bandang alas-7:30 ng Martes ng gabi, kung saan magkasama silang pauwi sakay ng isang bangka galing sa pangingisda, nang bigla silang atakihin ng malaking buwaya at sinakmal si Husin.

Sa kabila ng pagkasindak, nakuha namang makaalis ni Legazpi at agad na nakahingi ng tulong sa kanilang mga ka-barangay, subalit mabilis umanong tinangay ng buwaya sa kailaliman ng tubig si Husin.

Hinabol ng mga residente ang buwaya sa ilog na may mga bakawan ang dulo at karugtong ng dagat, at naabutan pang sakmal-sakmal nito ang biktimang wala ng buhay. Pinagtulungan nilang patayin ang buwaya.

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *