Connect with us

National

LGU na bigong linisin ang kakalsadahan, pagpapaliwanagin

Published

on

Pagpapaliwanagin ang LGU oad Clearing operations

Pagpapaliwanagin ang mga local government units (LGU) na bigong linisin ang kakalsadahan na sakop ng kanilang hurisdiksyon. 

Ayon kay Department of Interior and Local Government (DILG) Undersecretary Jonathan Malaya, bibigyan umano ng show cause order ang mga LGU na bigong makapasa sa pamantayan para sa pagsusuri ng road-clearing operations ng bawat LGU. 

“‘Pag lumabas sa classification namin o rating na kulang or bagsak, o failed kumbaga [ang mga local officials], unang gagawin namin eh mag show-cause kami ,” ani Malaya.

Sinabi pa ni Malaya na sa nabanggit na cause order, pagpaliwanagin ang mga local officials kung bakit bigo silang makapag-comply sa September 29 deadline ni Pangulong Duterte.

Binanggit din ni Malaya na kailangang ma-satisfy ng mga LGU ang apat na pamantayan upang masabing “compliant”.

Ang mga pamantayan ay ang mga sumusunod: “revisiting, repealing or enacting new ordinances helpful to road clearing or in easing traffic; inventory of roads to determine which ones have obstructions; clearing these roads; and looking for a temporary place for displaced vendors to sell their wares.”

If we’re not satisfied with the reply to the show-cause order, then we would have to submit their names to the president and the president would then suspend them from office,” ani Malaya.

Model LGU

Pinuri ni Malaya ang Marikina City at sinabing ito ang “gold standard” kung ang reclaiming ng public roads ang pag-uusapan.

Sinabi niyang malaking parte nito ay dahil kay dating Marikina Mayor at ngayo’y Rep. Bayani Fernando. Sinabi ni Malaya na mula pa noong 1992 ay pinagtuunan na ng pansin ni Fernando ang pagtatanggal ng road obstructions

Ang disciplinary management style raw ni Malaya pagdating sa local governance ang pangunahing dahilan ng pag-unlad ng Marikina.

It’s really the culture of discipline and that culture of discipline is what made it possible and we want to pass that on to the other LGUs,” ani Malaya.


Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *