Connect with us

National

Mister na ipaaaresto ni misis dahil sa pambubugbog, nagbigti

Published

on

Nakabigti at wala nang buhay ang 36-anyos na si William Vargas Camano, isang mekaniko, nang datnan ng kaniyang asawa sa kanilang tahanan sa Sitio Pamayang, Brgy. Capilihan, Virac, Catanduanes, madaling araw ng Sabado. .

Bago madiskubre ang nakabigting katawan ni Camano, nagkaroon umano ng pagtatalo ang biktima at ang asawa nitong si Teresa (hindi niya tunay na pangalan) hanggang sa masaktan ng lalaki ang babae.

Dahil dito, inireklamo ng pambubugbog ni Teresa ang asawa, subalit patay na ito nang dumating ang mga rumespondeng pulis.

Sinubukan pang isugod ng mga pulis sa Eastern Bicol Medical Center ang biktima  pero idineklara itong dead on arrival.

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *