Connect with us

National

ABU SAYYAF PATAY SA ENGKWENTRO SA SULU, ISA PANG BABAENG TERORISTA INARESTO

Published

on

Photo| Remate online

Nasawi ang isang miyembro ng Abu Sayyaf habang arestado naman ang isa pang babaeng terorista sa sagupaan laban sa mga otoridad sa Talipao, Sulu.

Ayon sa Western Mindanao Command (WestMinCom), narekober nila ang katawan ng suspek matapos ang 20 minuto na bakbakan sa pagitan ng mga sundalo at bandido.

Nakipaglaban ang mga military sa tinatayang 30 miyembro ng bandidong grupo.

Nakuha rin nila mula sa lugar na pinangyarihan ng insidente ang mga baril at pampasabog.

Naiwan ng grupo ang isang babaeng miyembro din ng Abu Sayyaf na kinilalang si Nursaina Jarad Sahi na nagtamo ng shrapnel wounds bunsod ng engkwentro.

Dinala siya sa Camp Bautista Station Hospital para malapatan ng lunas.

Ang Abu Sayyaf ay tanyag sa notoryus na pagpapasabog at kidnap-for-ransom activities.

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *