Connect with us

National

Basta Filipino, swak sa Malasakit Center – Bong Go

Published

on

Bong Go defends Malasakit Center
BASTA PINOY, MAY MALASAKIT PARA SA IYO. Sinabi ni Senator Bong Go na ang mga Pilipino ay kwalipikadong maging benepisyaryo ng Malasakit Centers. Ang mga center ay layong ipatayo malapit sa mga ospital upang mas maging madali para sa mga pasyente at pamilya na i-proseso ang paghingi ng tulong

Idiniin ni Senator Christopher Lawrence “Bong” Go na sapat na ang pagiging Pilipino upang maging swak na beneficiary sa isinusulong niyang Senate Bill No 199 o Malasakit Center Act of 2019.

Sinabi ni Senator Go sa harap ng interpellation period na walang pinipili ang pagbibigay ng serbisyo sa mga Malasakit Center.

Nang tinanong ni Sen. Franklin kung mababago ba ng isinususog na bill ang proseso ng pagbibigay ng tulong ng opisina ng ibang mga senador sa mga nangangailangan, sumagot si Go ng “Hindi”.

Wala po itong pipiliin. Basta Pilipino ka, qualified ka. Kahit ang mga humihingi ng tulong sa opisina nina Senators Drilon, Hontiveros, Pangilinan, pwede po kahit sino. Wala po itong pinipili,” sagot ni Go.

Mababago ba ang nakagawian?

Nang tanungin kung maaari pa ring direktang lumapit ang mga pasyente sa mga opisina ng concerned agencies kahit mayroon nang Malasakit Centers, sinabi ni Go na pupuwede pa rin, ngunit binigyan-diin niya na mas magiging maalwan para sa mga pasyente o kamag-anak nila kung sa mga ipinatayong Malasakit Centers malapit sa mga ospital na sila lalapit.

Hindi na nila kailangan mamasahe. Bakit pa sila pupunta diyan sa Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) kung nandiyan na ang opisina,” ani Go. 

Itinanong din ni Drilon kung ang 24 locally-run hospitals ay sakop ng probisyon ng batas.

Sa ngayon, uunahin muna ang 72 DOH-run hospitals. We will set criteria para doon sa mga LGUs if those said hospitals meet the standards and criteria,” ang sagot ni Go.

Dagdag pa niya, hindi pwedeng gamitin ng mga ospital ang pangalang “Malasakit Center kung hindi sila susunod sa  mga pamantayan.

Ayon kay Sen. Go, suportado ng Department of Budget and Management (DBM) ang pagtatayo ng opisina ng Malasakit Center sa Department of Health (DOH).

Inilinaw pa niya na ang Malasakit Centers ay hindi hihingi o kukuha ng pondo mula sa mga concerned agencies, gaya halimbawa ng PCSO. Bagkus, ang pagbibigay aniya ng assistance sa mga pasyente ay nakadepende pa rin sa mga ahensiya.

Saan manggagaling ang pondo?

Sinabi naman ni Senator Hontiveros sa interpellations na suportado niya ang batas kung ang PCSO at ang iba pang ahensiya ay may sapat na pondo para sa pamimigay ng tulong.

Paglilinaw ni Go, may charity funds na available ang PCSO para sa programa sa kabila ng Universal Health Care (UHC) Law na may mandato na ang 40% ng pondo nito ay mapupunta sa PhilHealth.

Hindi po kukunin ang contribution ng PCSO to the UHC,” paglilinaw pa ni Go.

Walang gagalawin na pondo o kontribusyon ang Malasakit Center. The bill will not amend the UHC law. It will complement the law,” ang pagtiyak pa ng senador.

 Ayon sa senador, sa kasalukuyan ay may 18 DOH-run hospitals na ang may Malasakit Centers habang may 24 naman sa mga lokal o LGU, provincial at city hospitals-run. 

Isinusulong ni Go na maging ganap nang institusyon ang Malasakit Center sa pamamagitan ng pagsasabatas ng Malasakit Center Act of 2019.

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *