Connect with us

National

Proteksyon para sa mga ‘Ander’, isinusulong sa Kamara

Published

on

Battered husbands protection
ANDER NO MORE. Mapaparusahan na ang mga mananakit ng mga partner o asawa, kahit na ito ay lalaki. Naniniwala si Rizal Rep. Fidel Nograles na dapat bigyan din ng proteksyon ang mga mister na nakararanas ng pang-aabuso mula sa kanilang mga misis.

Bibigyang-proteksyon na ang mga “ander de saya” o ang mga mister na nakararanas ng pagmamalupit mula sa kanilang mga misis. 

Sa House Bill 4888 na isinusulong ni Rizal Rep. Fidel Nograles, pinapaamyendahan niya ang RA 9262, o ang Anti-Violence Against Women and their Children at gagawin itong Anti-Violence Against Partners and their Children upang  maisama na ang pagmamalupit sa mga lalaki.

This bill shall prohibit all forms of violence against partners and their children, in private and public life, and provides maximum protection and effective remedies for victims and punishment of offenders,” ani Nograles.

Sinabi pa ni Nograles na kailangan ding isaalangalang ang kapakanan ng mga kalalakihan na nakararanas ng pang-aabuso ngunit hindi makapag-report dahil sa takot na makutya.

The bill is really just a tweak to improve what has been an excellent mechanism to protect the Filipino family,” dagdag pa ng kongresista. “Violence and abuse do not discriminate“.

Hindi lamang abused husbands, kundi pati mga abused members ng LGBT community ang bibigyan ng proteksyon sa nasabing panukala. 

“Babae man o lalake, at miyembro ng LGBT, may suffer from the deleterious effects of an abusive relationship. It’s government’s duty to protect everyone,” ayon pa kay Nograles.

Saklaw sa panukala ang electronic violence upang maparusahan din ang mga gumagamit ng pekeng social media account upang mang-intriga o manakit ng damdamin ng iba.

“Sakop po nito iyong cyber bullying, mga online forms of violence, paggawa ng fake accounts sa social media para paninirang-puri,” aniya.

Position: Production Director/Editor Years/background in Media works: 4 YearsWhy choose this profession: Mass media is a kind of industry wherein I can efficiently share my knowledge, skills, and insights to a large group of people. It is fast-paced, dynamic, and competitive. Because I thrive in handling pressure and I don’t shy away from going the extra mile to produce exemplary projects, a career in mass media is the perfect way for me to live and make a living.Principle in life: Quaeram dum inveniam "I shall seek until I find it."

Continue Reading
Advertisement

Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *