National
Pres. Duterte magiging prangka sa pag-ungkat ng arbitral ruling kay Chinese Pres. Xi – Panelo

Published
2 years agoon

Magiging diretsahan ang gagawin ni Pangulong Rodrigo Duterte sa sandaling buksan nito ang usapin sa panalo ng Pilipinas sa kanilang bilateral meeting ni Chinese President Xi Jinping mamaya.
Pinahayag ni Chief Presidential Legal Counsel at Spokesperson Salvador Panelo na sa gitna ng hinihintay na muling pagkikita ng dalawang lider mamaya kung saan ay inaasahang igigiit ni Pangulong Duterte ang pagkapanalo ng bansa sa West Philippine Sea kay Chinese Pres. Xi
Ayon kay Panelo, dati na umanong binuksan ng Pangulo sa kanyang counter part ang claim ng bansa sa tagumpay nito sa arbitral ruling ngunit pahapyaw lamang ang dating nito.
Sinabi pa ni Panelo, sa muling paghaharap nila ni Pres. Xi ay magiging diretso si Pangulong Duterte sa gagawin nitong pag-ungkat sa karapatan ng Pilipinas sa West Philippine Sea.
Hindi naman magiging one on one ang set up ng pagkikita mamaya nina President Xi at ni Pangulong Duterte na una nang inakala ni Secretary Panelo.
Source: http://www.radyopilipinas.ph/rp-one/articles/national/gagawing-pag-ungkat-ni-pres-duterte-sa-panalo-ng-ph-sa-arbitral-ruling-kay-chinese-pres-xi-magiging-diretsahan-panelo
You may like
-
ANGKAS SA MOTORSIKLO, NAIS MULING IPAGBAWAL NI PANELO
-
Pagtatakda ng price cap sa karneng baboy, pinaboran ng Palasyo
-
Pangulong Duterte, pinatigil ang pagmimina sa Tumbagaan Island sa Tawi-Tawi
-
Dating Mandaluyong Mayor na si Benhur Abalos Jr., itinalaga bilang MMDA Chairman
-
FDA, binalaan ang publiko laban sa pekeng Diatabs, Solmux, Neozep at Ponstan
-
5 ahensya ng gobyerno, unang iimbestigahan dahil sa isyu ng korapsyon