Connect with us

National

Dating Senador Trillanes, inireklamo sa PNP-CIDG

Published

on

The STAR/Geremy Pintolo, File

Inireklamo ng consumer advocate na si Perfecto Tagalog sa tanggapan ng Philippine National PoliceCriminal Investigation and Detection Group (PNP-CIDG) Major Crimes Unit sa Kampo Crame kahapon si dating Senador Antonio Trillanes IV.

Ito ay sa kadahilanan umanong paninira kay Davao Representative Paolo “Pulong” Duterte noong siya ay umuupo bilang bise alkalde ng Davao.

Ayon kay Tagalog, inutusan umano siya ni Trillanes na idiin si ngayo’y Rep. Pulong Duterte sa kalakalan ng iligal na droga sa bansa kapalit ng hindi tinukoy na halaga noong 2016.

Kasama ni Tagalog na naghain ng kanyang sinumpaang salaysay si Atty. Lorenzo Larry Gadon na counsel din ni Peter Joemel Advincula o alyas Bikoy.

Ipinahayag naman ni Gadon, na ipinauubaya na nila sa CIDG ang pagtukoy sa kung anong kaso ang isasampa laban kay Trillanes.

Source: http://www.radyopilipinas.ph/rp-one/articles/national/dating-senador-trillanes-inireklamo-sa-cidg

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *