Music

K-pop band na TXT top 5 ngayon sa Billboard Chart sa Amerika

K-pop band na TXT (Together x tomorrow) nakamit ang kanilang pinaka mataas na ranking ngayon sa Billboard 200 dahil sa bagong album nila na “The Chaos Chapter: Freeze”

Kahapon, June 13, Nag announce ang Billboard na ang second Studio Album ng TXT’s na ‘ The Chaos Chapter: FREEZE” ay nag debut sa ika 5 pwesto ng sikat na Top 200 Album Chart sa kanilang weekly ranking ng mga sikat na albums.

Kapansin-pansin rin na, ito ang kauna-unahang pagkakataon na nakapasok sila sa top 10 Billboard 200. Bukod pa doon, ito ang pang-apat na album na nakapasok rin sa chart kasunod ang kanilang 2019 na mini album na “The Dream Chapter” STAR,” 2020 “minisode1: Blue Hour” na naka-abot sa top 25, at ang kanilang 2021 Japanese album na “Still Dreaming.”

Ang TXT ang pangatlong K-pop group sa buong kasaysayan na makasali sa chart na mayroong multiple albums sa Billboard 200 sa iisang taon, kasunod nito ang K-pop band na BTS at TWICE.

Mayroong itong mga 6.42 million on demand streams sa kanilang walong kanta. Halos 96% ng album sales ay nanggaling sa CD edition, at ang natitirang 4% naman ay galing sa kanilang digital album.

Share
Gilliane Lara

Recent Posts

  • Aklan News

5 bayan sa Aklan, upgraded na sa pink zone status ng ASF

Nasa pink zone status na ng ASF o African Swine Fever ang limang munisipalidad sa…

2 days ago
  • Aklan News

Kusinero sa fiesta nahulihan ng drug paraphernalia sa checkpoint sa Brgy. Bay-ang, Batan

NAKUHAAN ng mga drug paraphernalia ang isang kusinero sa checkpoint ng kapulisan sa bahagi ng…

2 days ago
  • Aklan News

Halos P1.3M halaga ng shabu, narekober sa anti-illegal drug ops mula Enero hanggang Abril sa Aklan

AABOT na sa halos P1.3 milyon na halaga ng shabu ang narekober sa mga ikinasang…

2 days ago
  • Aklan News

1.5 hektaryang lupain, nilamon ng grassfire sa Cupang, Banga

SUMILKAB ang malawak na grassfire nitong Huwebes sa bahagi ng Cupang, Banga. Pasado alas-11:16 ng…

5 days ago
  • Aklan News

Mag-amang SLI tiklo sa drug buy bust ops sa Kalibo

Timbog sa isinagawang drug buy bust operation ng mga operatiba ang mag-amang tulak ng iligal…

7 days ago