Connect with us

Music

Comeback album ng EXO na “Dont Fight the Feeling” meron ng 1.2 million pre order; Release today!

Published

on

EXO Dont Fight the Feeling

Ngayong araw na ang pinaka aabangang comeback release album ng EXO na “Dont Fight the Feeling,” matapos mawala ang buong grupo sa spot-light noong nakaraang taon.

Ito ang first group comeback ng multi-national band simula noong 2019. Makakasama sa sinabing album sila D.O., Baekhyun, Chanyeol, Xiumin, Sehun, Kai at si Lay.


Naka-set sa space ang trailer na ipinalabas, na nagbibigay ng retro space game vibe nang 80’s. Isa itong album na may upbeat rhythm, synthesizer at mga heavy bass. Mayroon limang tracks ng dance songs na may masayang ritmo.

Lumagpas na ng higit sa 1.22 million ang pre-order ng Album nilang “Dont Fight the Feeling.”

exo members

Noong nakaraang mga buwan ang dalawang miyembro ng EXO na sina Xiumin and D.O ay na conscipt sa mandatory military service at si Lay naman ay nag-focus muna sa kaniyang career sa China, kaya ito ang naging dahilan sa hiatus ng k-pop band. Ngayon ang una nilang release album simula noong 2019 noong inilabas nila ang “OBSESSION”.

Naging tanyag ang Exo na “biggest Korean boyband in the world” noong 2016. Bukod pa doon, tinawag rin silang “Kings of K-pop” matapos silang makasali sa Guiness World Records dahil sa “Most Daesang (Grand Prize)” na na panalunan nila sa Mnet Asian Music Awards noong 2018.

Abangan ang kanilang mga bagong kanta sa inyong mga streaming services ngayong araw Hunyo 7, 2021, 6:00 pm (KST).

Continue Reading
Advertisement

Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *