Connect with us

Money

BSP, tinulungan ang isang 70 taong gulang mapalitan ang kanyang naipong P50k na nasira ng mga anay

Published

on

By

ice-delivery-man-na-mapalitan-ang-kanyang-naipong-P50k-na-nasira-ng-mga-termites
Photo courtesy of Kapuso Mo, Jessica Soho

Kamakailan, tinulungan ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) palitan ang halos P50,000 halaga ng hard-earned savings na nasira na ng mga anay ng isang 70 taong gulang ice delivery man.

Nag-dedeliver ng ice bilang kabuhayan si Adonis Buemia sa loob ng 30 taon, at dahil sa kanyang pagsisikap, nakabili siya ng bahay, bagong tricycle, at naka-ipon rin siya ng halos P50,000 mula sa kanyang P300 pang-araw-araw na kita, ayon sa pahayag ng BSP.

Sinabi ng Central Bank na, sa kabila ng pagiging solo parent at pangunahing caregiver sa isang special child, nagawa ni Buemia na mag-ipon ng P100 o 1/3 ng kanyang daily income, kung saan tinatabi niya sa loob ng cabinent sa kanyang bahay.

Ngunit, ang kanyang savings ay halos nasira na sa loob ng cabinet matapos kainin ng mga termites ito.

Desperado siyang maligtas ang kanyang hard-earned na pera, kaya nag-comment siya sa Facebook account ng Kapuso Mo, Jessica Soho upang makahingi ng tulong.

Dahil dito, nirefer ng programa ang kaso ni Buemia sa BSP.

Ang BSP Currency Policy and Integrity Department (CPID) ay agad nang na pre-evaluated kung ano ang natira sa termite-infested bills, ayon sa BSP.

Advertisement

Batay sa central bank, kinontact ni BSP Acting Deputy Director Nenette Malabrigo ang pinaka-malapit na bank malapit sa residensya ni Buemia at inendoresed ang mutilated na pera upang mapalitan.

Nitong Agosto 11, 2021, natanggap na sa wakas ni Buemia ang replacement ng kanyang cash savings.

“Masayang-masaya talaga ako at napalitan na at naibalik nang buo ang ipon ko. Maraming salamat sa bangko na tinanggap nila ‘yong pera. At maraming salamat sa Bangko Sentral sa lahat ng tulong para mapalitan ‘yong pera ko,” sabi ni Buemia.

Para ma-qualify sa replacement ng dilapidated bills, ang mga sumusunod ang regulasyon ng BSP:

the size of the remaining bill should be 60% or 3/5th of the original size of the bill
a portion of any of the two facsimile signatures must still be seen or observed
the windowed security thread must remain intact unless otherwise caused by fire, insect, and any form of unintentional mutilation.

Hinikiyat ng BSP ang publiko na ilagay ang kanilang savings sa isang BSP-supervised financial institutions upang maiwasan masira ito ng mga termites, tubig at iba pang elements at para na rin ligtas at secure ang kanilang pera.

Noong nakaraan, nag-isyu ng circular ang BSP, na naglalayon sa mga Pilipino na mag-facilitate ng payments at maka-ipon ng pera “with ease, accessibility, convenience,” sa pamamagitan ng Basic Deposit Account (BDA).

Advertisement

Reports from GMA News By TED CORDERO

Continue Reading
Advertisement

Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *