Connect with us

International

Pulis patay sa pag-atake ng suicide bomber malapit sa US Embassy sa Tunis

Published

on

(AP Photo/Riadh Dridi)

Dalawang suicide bomber ang nagpasabog malapit sa US Embassy sa Tunis nitong Biyernes na ikinasawi ng isang Tunisian police officer.

Sugatan din ang apat na iba pang pulis at isang sibilyan dahil sa pag-atake na gawa umano ng mga terorista.

Sinabi ni Sufyan al-Sulaiti, tagapagsalita ng anti-terror judicial branch, sakay ng motorsiklo na puno ng mga bombo ang dalawang suicide bomber na umatake sa lugar.

Pahayag naman ng State Department, isa sa mga lokal na empleyado ng embassy ang sugatan sa pag-atake ngunit wala umanong Amerikano na nasaktan.

Nakipag-ugnayan na si Sufyan sa mga lokal na otoridad para mas mapabilis ang imbestigasyon sa nangyari.

Binisita na rin ni Tunisian President Qais Saeed ang limang mga biktima na nakaligtas sa Internal Security Forces Hospital.

Una nang inatake ang U.S. Embassy sa Tunis noong 2012.

Continue Reading
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *