Connect with us

International

Pinaka-mayamang tao sa buong mundo pumunta ng space; Space tourism matutuloy na nga ba?

Published

on

jeff-bezos-space-flight-photo

Ang pinaka-mayamang tao sa buong mundo na si Jeff Bezos (Founder of e-commerce Amazon), nag-spent ng ilang minuto sa space nitong Martes sa kauna-unahang crewed space mission ng Blue Origin.

Si Bezos, at ang kanyang mga kasama ay lumipad ng halos 107 kilometro sa itaas ng disyerto ng Texas, mas mataas kaysa sa space flight ng Virgin Galactic founder na si Richard Branson nito lamang July 11.

Sakay sila ng New Shepard launch vehicle na walang piloto na nagmamaneho kundi komputer lamang. Tumagal ang kanilang space travel nang 10 minutes and 10 seconds.

Ito’y isang breakthrough para sa space tourism sector na ilang taon nang nade-delay.

“Every astronaut who’s been up into space, they say that it changes them … they look at it and they’re kind of amazed and awestruck by the Earth and its beauty, but also by its fragility, and I can vouch for that,” sinabi niya sa mga reporters matapos ang Blue Origin’s first crewed flight.

“It’s one thing to recognize that intellectually — it’s another thing to actually see with your own eyes,” dagdag niya.

Kasama ni Bezos sa flight ang kanyang kapatid at best friend na si Mark Bezos, barrier-breaking aviator Wally Funk, 82 at isang 18-year-old Dutch teenager na si Oliver Daemen.

Advertisement

Si Funk at Daeman ang naging pinaka-matanda at pinaka-batang astronauts.

Matapos ang liftoff, ang New Shepard (pangalan ng aircraft) ay nagtungo sa space na may bilis ng higit 2,300 mph (3700 kph) na gumagamit lamang ng liquid hydrogen-liquid oxygen engine kung saan ang byproduct lang ay water vapor.

Naka-experience ng near zero gravity ang apat na pasahero mula tatlo hanggang apat na minuto. May isang footage na nagpapakita silang nag pe-perform ng somersaults at naghahagis ng Skittles habang ang kanilang capsule umaakyat patungong peak altitude ng 66.5 miles (107 kilometers).

jeff-bezos-outer-space-experience

Pagkatapos ng flight, niyakap ng crew members ang kanilang mga pamilya at kaibigan, at tumanggap din sila ng congratulations mula sa NASA at kay Branson.

“We look forward to future flights with researchers and NASA-supported technology payloads aboard,” saad ng NASA sa Twitter.

“We had a great time, it was wonderful,” sabi ni Funk, siya’y nag-training para maging astronaut pero hindi siya nabigyan ng oppurtunidad makapunta sa space dahil sa kanyang kasarian. Dagdag pa niya sa reporters, “I want to go again — fast!”

Si Bezos, 57, ang nagtatag ng Blue Origin noong 2000 na may balak na balang araw gumawa ng floating space colonies na may artificial gravity kung saan milyon-milyong mga tao ang titira at mag-tratrabaho dito.

Advertisement

Nang tanungin si Bezos kung pupunta siya ulit, sagot niya: “Hell yes, how fast can we refuel that thing? Let’s go.”

Continue Reading
Advertisement

Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *