Connect with us

International

Pamamaril sa 4th of July parade sa Illinois, 6 patay; suspek nakatakas

Published

on

Patay ang 6 na katao matapos ang mass shooting na naganap sa kasagsagan ng Fourth of July parade sa Estados Unidos.

Naganap ang pamamaril sa Highland Park sa Chicago, Illinois, kung saan 24 ang malubhang nasaktan maliban pa sa 6 na nasawi.

Nakatakas naman ang suspek at patuloy na tinutugis ng Highland Park police. Ayon sa pulisya, ang suspek ay tinatayang nasa 18-20 taong gulang.

Lumalabas sa imbestigasyon na lampas kalahati na ang itinatakbo ng parada nang nagpaputok habang nasa bubong ng tinutukoy pang establisyemento ang salarin, gamit ang isang high powered rifle.

Ayon sa pulisya, ang pamamaril ay isang “random act of violence.”

Pinakiusapan naman nila ang lahat ng nasa parada nang maganap ang pamamaril na makipagtulungan sanmga awtoridad.  Maaari umano nilang ibahagi ng mga videos at iba pang impormasyon na maaaring makatukoy sa pagkakakilanlan at possibleng kinaroroonan ng suapek.

Continue Reading
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *