Connect with us

International

Pag-apply ng tourist visa papuntang South Korea, muling bubuksan sa June 1

Published

on

Maaari na uling mag-apply ng tourist visa ang mga Pinoy na nagnanais bumisita sa South Korea.

Ayon sa pahayag ng South Korean Embassy, magsisimula ito sa Hunyo 1, 2022.

Dagdag pa ng embahada, hindi lamang tourist visa ang maaaring asikasuhin simula sa susunod na buwan, kungdi lahat ng klase ng visa.

Hindi na rin umano kakailanganing magpakita ng consent of isolation.

Ang mga nakatanggap naman ng kanilang multiple entry visa bago ang Abril 5, 2020 ay hindi na kailangang mag-apply ulit, maliban na lamang kung expired na ito.

Naniniwala ang pamahalaan ng South Korea na makatutulong ang hakbang na ito kasabay ng pagluwag ng mga COVID-19 restrictions para palakasin ang domestic consumption at mga kaugnay na industriya ng kanilang bansa.

Muli ring magpapalabas ng karagdagang detalye ang embahada sa mga susunod na araw.

Continue Reading
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *