Connect with us

International

Mister sa Italy nagpakulong na lang para makatakas kay misis

Published

on

By

Photo Courtesy| Unsplash

Para sa ibang tao, ang pagkakulong ay ang tuluyang pagkawala ng kanilang kalayaan.

Pero may isang mister sa Italya na pumunta sa himpilan ng pulisya para hilingin na ikulong nalang siya para makatakas sa kanyang miserableng buhay kasama ang kanyang misis.

Nakatira ang 30-anyos na mister at ang kanyang misis sa Guidonia Montecelio, pero hindi na raw nitong kayang makasama pa ang kabiyak kaya mas ginusto nitong magpakulong.

Batay sa ulat ng Agence France-Presse, naka-house arrest ang lalaki dahil sa kinakaharap na kaso kaugnay sa droga.

“Exasperated by the situation, he preferred to escape, spontaneously presenting himself to the Carabinieri to ask to serve his sentence behind bars,” batay sa pahayag.

“He lived at home with his wife and family. It wasn’t going well anymore.

“He said, ‘Listen, my domestic life has become hell, I can’t do it anymore, I want to go to jail,” pahayag ni Captain Francesco Giacomo Ferrante ng Tivoli Carabinier.

Natupad naman ang hiling ng mister na malipat sa kulungan dahil sa paglabag nito sa pagkaka-house arrest na utos ng korte.

Continue Reading
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *