Connect with us

International

Laruan at damit na kulay-rainbow, kinumpiska sa Saudi Arabia dahil nagpo-promote umano ng homosexuality

Published

on

Larawan mula sa CNN

Naglibot sa Riyadh, Saudi Arabia ang mga opisyal ng gobyerno upang kumpiskahin ang mga itinitindang rainbow-colored na laruan at kasuotan dahil nakaka-impluwensya umano ito ng pagiging homosexual sa mga kabataan.

“We are having to look out for slogans that violate the rules of Islam and public morals like promoting homosexuality colors, targeting the young generation,” ani ng isang opisyal mula sa Ministry of Commerce.

Mahigpit na tumutupad sa Sharia law ang Saudi Arabia kaya labag sa batas ang pagiging homosexual sa bansang ito.

Kabilang sa mga kinukumpiska ay ang mga pambatang gamit tulad ng hair accessories, pencil case, backpack, at lalagyan ng crayons na may rainbow stripe at matitingkad ang kulay

Continue Reading
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *