Connect with us

International

Lalaking nagpositibo sa COVID-19, nag bar-hopping para ikalat ang sakit

Published

on

Photo courtesy| https://www.lucisphilippines.press

Japan – Isang lalaking may coronavirus disease 2019 (COVID-19) ang nag bar-hopping para maikalat ang sakit sa Japan bago siya madampot ng Hazmat police at madala sa ospital.

Nagpositibo sa sakit ang nasa edad 50 anyos na lalaki ngunit hindi ito nakitaan ng anumang sintomas o asymptomatic sa Gamagori City.


Sinabihan ito na mag self-quarantine habang wala pang angkop na medical facility na paglalagyan sa kanya.

Pero hindi ito sumunod at nagdesisyon na magbisita sa dalawang bar sa lugar sabay sabi sa kanyang mga kamag-anak na ikakalat nito ang sakit.

“I am going to spread the virus,” saad umano nito.

Sumakay ito ng taxi papunta sa unang bar at naglakad papunta naman sa ikalawang bar na kung saan matapos nitong uminom at kumain ay ipinagsabi niya na sa mga customers na mayroon siyang sakit.

Doon na tumawag ng pulisya ang mga staff ng bar at dinala ang lalaki sa ospital.

Parehong nilinisan ng mabuti ang mga bar na pinuntahan ng lalaki at kapwa ang mga staff at costumers ng mga ito ay isinailalim na sa eksaminasyon.

Nabatid na na-diagnose rin sa sakit na COVID-19 ang mga magulang ng lalaki.

Program/Beat: Todo Balita Noontime Edition/Palautwasan mo Years/background in Media works: 4 years Why chose this profession: It's simply because my heart told me so. Principle in life: A dream without action is a wish.

Continue Reading
Advertisement

Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *