Connect with us

International

Italian nurse na may COVID-19, nagpakamatay sa takot na makahawa ng iba

Published

on

Photo: Elitereaders.com

Isang 34-anyos na nurse na nagtatrabaho bilang frontliner sa coronavirus pandemic ang nagpakamatay matapos magpositibo sa COVID-19 dahil sa takot na makahawa ng iba.

Nakaranas ng matinding stress si Daniel Trezzi sa kabila ng pangamba na baka maikalat nito ang nakamamatay na virus habang gumagamot ng mga pasyente sa San Gerardo Hospital sa Monza ayon sa ulat ng Daily Mail.


Nagtatrabaho siya sa Intensive Care Unit ng ospital habang naka quarantine matapos ma diagose sa sakit ayon sa UK news site.

Nagpahayag naman ng “pain a dismay” ang National Federation of Nurses sa Italy sa pagkamatay ni Trezzi.

“Each of us has chosen this profession for good and, unfortunately, also for bad: we are nurses,” ayon pa sa federation.

Ayon naman sa Hospital General manager na si Mario Alparone, si Trezzi ay naka home sick simula pa noong March 10 at hindi ito nasa ilalim ng surveillance.

Nasa ilalim pa rin ng imbestigasyon ang pagkamatay ng nurse.

Nasa mahigit 5,700 na mga health workers na ang apektado sakit na walong porsyento ng kabuuang bilang ng COVID-19 cases sa naturang bansa batay sa Italian research Institute.

SOURCE: https://nypost.com/2020/03/25/italian-nurse-with-coronavirus-kills-herself-amid-fears-of-infecting-others/

Program/Beat: Todo Balita Noontime Edition/Palautwasan mo Years/background in Media works: 4 years Why chose this profession: It's simply because my heart told me so. Principle in life: A dream without action is a wish.

Continue Reading
Advertisement

Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *