International

Emperador Naruhito ng Japan, opisyal na ang pagkakaluklok sa trono

Opisyal nang ipinroklama ni Emperador Naruhito ng Japan ang kanyang pagkakaluklok sa trono bilang pagkumpleto sa kanyang ascension sa Chrysanthemum Throne ngayong araw.

Sa isang “ritual-bound, centuries-old ceremony” na tinatawag na “Sokui no Rei”, binigkas ni Naruhito sa harap ng daan daang mga maimpluwensiyang taon sa mundo ang mga katagang ito: “I hereby declare my enthronement at home and abroad.”

Nakasuot si Naruhito ng rust-colored robe na kapareho ng sinuot ng kanyang ama sa kanyang sariling pagluluklok.  Nakasuot naman ang kanyang asawa na si Masako ng isang puti na robe. 

Three Sacred Treasures

Nang umakyat si Naruhito sa trono, naglagay ng mga kahon malapit sa kanyang inuupuan.  Pinaniniwalaan na ang mga kahon ay naglalaman ng isang espada, at isang antigo at mamahaling hiyas na ayon sa mga alamat ay nagmula pa sa panahon ng unang emperador ng Japan na si Jimmu.  Ang mga reliko ay sobrang sagrado kaya’t  hindi ito ipinapakita sa publiko. Kasama sa royal regalia o Three Sacred Treasures ay ang octagonal mirror.

Nang dumating ang takdang oras,binasa ni Naruhito ang kanyang proklamasyon mula sa isang malaking papel. 

I pledge hereby that I shall act according to the Constitution and fulfill my responsibility as the symbol of the State and of the unity of the people of Japan, while always wishing for the happiness of the people and the peace of the world, turning my thoughts to the people and standing by them,” sabi ni Naruhito. 

I sincerely hope that our country, through our people’s wisdom and unceasing efforts, achieves further development and contributes to the friendship and peace of the international community and the welfare and prosperity of humankind.” dagdag pa niya.

Nang matapos ang seremonya, tumayo si Prime Minister Shinzo Abe sa harap ng trono ni Naruhito.  Nagbasa siya ng isang talumpati at pagkatapos ay sumigaw ng “Banzai!” o “Long live the emperor” ng tatlong beses. 

Pagpalit sa iniwang trono ng ama

Nagsimulang mamuno si Naruhito noong Mayo matapos na lisanin ng kanyang ama na si Akihito ang trono, ngunit nito lamang Martes siya nag-deklara ng kanyang pagbabago ng estado.  Hindi nakumpleto ang transisyon hanggat hindi opisyal na ipinroklama ang kanyang bagong pwesto.

Halos 2,000 na high-profile na bisita ang dumalo sa seremonyas. Kabilang na dito sina Prince Charles ng Britanya at ang Hong Kong leader na si Carrie Lam. Kasama rin sa mga dumalo ay ang Prime Minister ng South Korea na si Lee Nak-yon sa kabila ng nangyayaring trade spat sa pagitan ng South Korea at Japan.

Dumalo rin si Pangulong Rodrigo Duterte sa nasabing pagluluklok.  Kasama niya ang kanyang anak na si Davao City Mayor Sara Duterte, si Presidential spokesman Salvador Panelo, Senator Christopher “Bong” Go, Philippine Ambassador to Japan Jose Laurel V, Special Envoy to Japan Feliciano “Sonny” Belmonte, at Chief of Presidential Protocol at Presidential Assistant on Foreign Affairs na si Robert Borje.


BASAHIN: Walang basura at animo’y ilog na tubig baha sa Japan; Mga netizens napamangha
Share
Glesi Lyn Sinag

Position: Production Director/Editor Years/background in Media works: 4 YearsWhy choose this profession: Mass media is a kind of industry wherein I can efficiently share my knowledge, skills, and insights to a large group of people. It is fast-paced, dynamic, and competitive. Because I thrive in handling pressure and I don’t shy away from going the extra mile to produce exemplary projects, a career in mass media is the perfect way for me to live and make a living.Principle in life: Quaeram dum inveniam "I shall seek until I find it."

Recent Posts

  • Aklan News

5 bayan sa Aklan, upgraded na sa pink zone status ng ASF

Nasa pink zone status na ng ASF o African Swine Fever ang limang munisipalidad sa…

18 hours ago
  • Aklan News

Kusinero sa fiesta nahulihan ng drug paraphernalia sa checkpoint sa Brgy. Bay-ang, Batan

NAKUHAAN ng mga drug paraphernalia ang isang kusinero sa checkpoint ng kapulisan sa bahagi ng…

18 hours ago
  • Aklan News

Halos P1.3M halaga ng shabu, narekober sa anti-illegal drug ops mula Enero hanggang Abril sa Aklan

AABOT na sa halos P1.3 milyon na halaga ng shabu ang narekober sa mga ikinasang…

18 hours ago
  • Aklan News

1.5 hektaryang lupain, nilamon ng grassfire sa Cupang, Banga

SUMILKAB ang malawak na grassfire nitong Huwebes sa bahagi ng Cupang, Banga. Pasado alas-11:16 ng…

4 days ago
  • Aklan News

Mag-amang SLI tiklo sa drug buy bust ops sa Kalibo

Timbog sa isinagawang drug buy bust operation ng mga operatiba ang mag-amang tulak ng iligal…

6 days ago